Sa Mga Tagping Linya ng LRT

Pagtawanan mo ang gabi,
ang araw, ang buwan,
pagtawanan mo ang mga liku-likong
landas sa isla,
pagtawanan mo ang torpeng
lalaking ito na nagmamahal sa iyo,
nguni’t kapag bubuksan ko
at isasara ang aking mga mata,
kapag ako ay umalis,
kapag ako ay muling bumalik
ipagkait mo na sa akin ang tinapay,
ang hangin, ang liwanag at ang tagsibol,
huwag lamang ang iyong ngiti
dahil ito’y aking ikasasawi.

Ayan, bongga ano? Galing ‘yan sa BERSO SA METRO na siyang pakulo ng LRT. And LRT ay ang bonggang tren sa Pilipinas at dahil tagalog itong aking katha, inaasahan kong alam mo na dapat iyon kung ito’y iyong naiintindihan.

 Minsan, pag nagmamadali o pag talagang gusto lang magtipid sa pamasahe, sumasabay ako sa aking ina patungong EDSA [aka Epifanio delos Santos Avenue], doon sa may stasyon ng LRT. Kadalasan, dumadating ako roon bago mag 6:30 ng umaga. Kapag medyo minalas-malas  and gising, aabutin ako ng ala-7 ng umaga. Bwakanang dami ng tao ang bubunuin mo sa pag-akyat. Mistulang prosisyon ng santakrusan ang nilalakad mo. Kung hindi man, para kang naglalakad sa divisoria dalawang linggo bago magpasko. Parang sana nagpatiwakal ka nalang muna sa mga bus na dumadaan kesa naman makibaka ka sa ganitong dami ng tao. Biruin mo iyon, bagong ligo ka tapos papaliguan mo and iyong sarili ng pawis at polusyon ng lansangan? Bonggang good morning sa iyo.

Pag akyat mo, akala mo may artista kasi nagkukumpulan ang mga tao papuntang MRT. Sino ba kasing matalino naka-isip na pagkabitin iyong dalawa? Sabagay, mabisa nga nman ito kung iispin…kung iisipin. Pwede bang isipin na lang? mararamdaman mo talagang kulang ang espasyo sa mundo pag tumapak ka sa landas ng LRT-EDSA. Waw pare, kabangag.

Minsan din, hindi mo na maramdamang tao ka pag pasok mo sa tinalagang hintayan. Minsan kasi, para kang hayop na tumae sa daan kung makatingin ang mga tao sa women’s section ng LRT. Nasaan na ang kayumian ng mga dalagang Pilipina? Nasaan na ang hinhin at pinong ugaling dapat nilang angkinin? Wala, para kang nasa gubat ng mga Amazona. Mapapa-wow ka na lang. minsan din, para ka nang tinanggalan ng karapatan pangtaong sumakay dahil ikaw ay nagbayad din naman ng kinse pesos para sa kalbaryong iyong dinaranas. Nasaan ang pagkakapantay-pantay ng mamamayan? Nasaan na ang demokrasyang pinagmamalaki?

Pero sa kabila ng kalbaryo, makikita mo sa loob ng tren ang mga BERSO. Tulad ng nasa taas, masasambit mo na lamang ang “naks, sarap sapakin. Let’s stone him to death. Yey.” [galing sa kikomachine, di ko matiis eh]. Oha, kahit na sobrang pait at hinagpis ang iyong dinanas makasakay lamang ng tren, magbubukas ang kalangitan pag nabasa mo ito. Sarap umibig ano? Masalimuot tulad ng pagbuno mo sa LRT-EDSA pero ayos na rin kahit papaano. Lalo pag naka-upo ka at mang-uuyam ka pa. Sapak ‘tol. Etong sa ‘yo.

Lumang tutugin na ang tulang nabanggit. Napagdaanan na ng ilang pagkabuhay ang ganyang wikain. Laspag na nga kung tutuusin pero bakit ang kamandag ay naroon pa rin? Dahil ito’y totoo, kaya ito patok. Dahil madami ang nakaranas kaya nais nilang mabanggit ng iba ang kanilang pinagdaanan. Ang mga mithiing ligaw sa tenga ng pinapangrap na tala ay tila shabu na paulit-ulit na hinihithit dahil ito’y sobrang waw na nakakalulong.

Tulad ng tren na nangangarag sa libong taong nakakasalamuha nito araw-araw, di mo maiiwasan at di mo rin mapipigalan. Kung ikaw ay isang normal na mamayang Pilipino na may normal na karukhaan at kapangitan, naranasan mo na ang pagsakay sa mga tagping linya ng LRT. Kung ikaw ay normal na Pilipino, naranasan mo na ring umibig at mabigo. May mga swerte na sa unang sakay ay nakaka-upo at sa unang pag-agos ng damdamin ay naririnig. Pero kung normal kang hindi gaanong pinagpala, alam mo na ang lumang tugtugin na aking tinutukoy.

Bukas, pagtuntong ko sa tren ng LRT-EDSA, tao pa rin kaya akong lalabas o magiging nginuyang chewing gum?

Advertisements

About kyogakura
Bored 95% of the time.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: