Saksakan ng Ka-emohan

Hindi ko alam anong kulang. Maraming butas sa mundo. Kulang lagi ang kulay ng kapaligiran [naks]. Iba ang tinig, laging sablay sa tono. Hindi perpekto. Laging lumalampas. Kung hindi lumalampas, alam na ‘di ba? Kulang ‘yon, dude, kulang. Kung may himala man at biglang sumakto sa hilig ang sangsinukuban, isang segundo lang ang pakiramdam ng kapayapaan. Matapos nun, ayan, babalik nanaman sa kulang na kalokohan.

Inaantok na ako.

Gusto kita. Grabe, kung alam mo lang matatakot ka. Marami akong gustong tanungin sa ‘yo kaso duwag ako. Kadalasan, walang naniniwala sa akin na duwag ako. Sa totoo lang, wala talagang naniniwala sa akin ‘pag gusto kong magseryoso. Mahilig ako magtapang-tapangan at magbiro. Bilang lang sa daliri ng aking isang kamay ang mga taong nakikinig sa akin. Mas kaunti pa roon ang bilang ng nakakaintindi. Anong magagawa ko kung sadyang pa-joke lang talaga ang labas ng mga kataga mula sa akin. Kaya eto, duwag ako kasi takot akong isipin mong nagbibiro lang ako. Takot din akong seryosohin mo ang mga sasabihin ko. Pero, anak naman ng tinapa, ang dami kong gustong sabihin sa ‘yo.

Sa isip ko, naka-rehearse na lahat ng linyang sasabihin ko. Nagpa-practice ako pag may free time. Ah eto, eto ang sasabihin ko pag naging ganito ang usapan. Minsan nga may full-blown acting pa eh.Pero bongga kasi ang kalawakan at madalas [lagi], ang kasama ko sa dula ay mahilig mag-adlib. Hindi ko na tuloy masundan ang script. Oh well, good luck na lang ‘di ba?

Balik sa usapan. Oo, gusto kita. Grabe, kung alam mo lang matatakot ka. Pero hindi ako marunong magsalita kaya pagpasensyahan mo na [charing]. Pagpasensyahan mo na rin at medyo weird ito. Hindi kita maabot dahil ang layo mo. Hindi kita malapitan dahil may libong tao nang nakalinya para sa atensyon mo. Hindi kita kayang kausapin. Nanlalamig ako. Pinagpapawisan. Nanginginig. Para akong naligo ng tubig na may yelo [at bagong gising lang ako].

Takot ako. Duwag ako at hilig ko lang talaga isulat ang aking mga nararamdaman pag malapit nang magmadaling-araw. Keyboard ang kausap ko pag wala nang tao. Alam mo kung bakit? Dahil ang keyboard, hindi aalis pag sinabihan mo ng iyong mga nararamdaman.  Nandyan lang ang keyboard hanggang mabura ang kanyang mga letra at tuluyan nang hindi gumana.

TG, gusto kita kaya natatakot ako.

Advertisements

About kyogakura
Bored 95% of the time.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: