Oh Kaligayahang Walang Hanggan: Ang Bloggables na Kay Tagal nang Itinatago

nagkasakit na ako sa sobrang frustration sa nagdaang linggo. Posible pala yon eh no. ang lagnatin na halos dahil sa sobrang hinanakit. tsaka, ang bigat pala sa dibdib. hindi naman kasi ako umaabot sa ganitong klaseng frustration. siguro ay dahil na rin sa tulong ng pag-iyak. dati kasi, pag umaabot na sa sukdulan ang frustration, idadaan ko na lang sa iyak. ngayon kasi parang hindi na ako marunong umiyak kaya itinutulog ko na lang.

ayan tuloy.

-|X|-

nakakairita talaga ang mga taong walang pakundangan sa pag-aaksaya sa oras ng iba. tipong magsasabi ng oras tapos bukas pa pala darating. ewan ko ba. mula pagkabata ko, inis na inis talaga ako sa mga taong ganito. tipong baog ka na bago ka nila siputin. putik. tapos darating, ayan na. papaimportante pa yan. hukinangina naman. KONSIDERASYON MEN. konting pakitang-tao naman sana ‘di ba? kung baga, common courtesy lang naman eh ayos na. pero hindi eh. ang tigas din kasi ng mukha. nakakainis.

-|X|-

mabuti pa ang isang taong nakilala ko nung huling semstre. bagamat wala kaming ugnayan kundi propesyonal eh meron siyang pambawi sa mga pagkukulang niya. natutuwa ako ‘pag alam niyang mali siya dahil agad siyang nagpapaliwanag o di kaya’y gumagawa ng solusyon. na sabaw. kung di niya magawan ng solusyon ay nakikipag-usap siya sa amin hanggang sa magkasundo na ang lahat. kaso kadalasan ay sabaw nga talaga siya kaya parang wala lang rin. para siyang ang sabaw kuya na hindi ko nakilala. at may pahabol pa siyang killer smile. panalo lang eh.

kaya nga hindi ko kina-cut ang klase niya kahit uwing-uwi na ako. sabaw talaga.

Ah, sa mga nakakikilala sa taong tunutukoy ko, wag na kayong gumawa ng issue. natutuwa lang talaga ako sa mga taong sabaw na kagaya niya.

-|X|-

kagabi, kausap ko ang bespren ko. sabay kaming umuuwi [mga isang beses sa isang linggo kami nagkikita nito kasi 20km ang layo ng campus namin sa isa’t isa] pag byernes o kaya ang miyerkules o kung anong araw man siya umuuwi ng Cavite. pero bago ako magkwento tungkol sa kanya, ikukwento ko ang nalaman ko kagabi.

Ang laki ng pagkakaiba ng equipments na gamit namin sa Physics laboratory classes namin. as in. kung kami ang gumamit ng conducting paper [with grid], multimeter at kung anu-ano pang anik-anik sa klase namin para hanapin ang antas ng voltage sa isang field, ang ginamit nila ay graphing paper, glass container, tape, metal rods at tubig [para magconduct ng boltahe]. at sila pa ang nag set-up nito. tawa ako ng tawa kagabi.

pero syempre, maiisip mo rin bilang isang mamamayang may pagpapahalaga sa pag-aaral na hindi ito makatarungan.

taga-Diliman si bespren. sa bansa natin, pag sinabing Diliman, alam mo nang UP ang unibersidad na tinutukoy. nasa UPD na siguro nakahilera ang kung anu-anong National Institute of Anik-anik at pag sinabaing NATIONAL INSTITUTE OF ANIK-ANIK, hindi ba’t dapat ay nakamamangha ang mga ginagamit doon? I mean, it’s coined as the nation’s leading institute for academic research on its own field so there has to be something there that should at least provide minimum academic satisfaction. But no, nakakainis isipin na brute force ang gamit nila. Ito ba ang resulta ng pagtaas ng matrikula namin? hindi man lang magamit sa dapat na paggamitan ang perang dapat ay hindi namin ginagastos.

minsan tuloy ay naiisip ko na pampalakas lamang ng loob ang sinabi ng propesor ko sa lab. hindi raw namin kailangan ng equipment kung hindi namin alam ang theory sa likod nito. ang paggamit daw ng  equipment ay isang skill na natututunan kung alam mo ang principles sa likod nito. kung wala kang alam, mas mainam na lang raw na umuwi ka na lang sa bahay at tumulong sa iyong mga magulang. wag daw kaming magreklamo na wala kaming masspeccold room o kung anu-ano pa. matututunan din naman namin gumamit noon balang araw.

ang sakit lang isipin. bilang isang mag-aaral sa aming unibersidad, alam ko [at malamang alam rin ng ibang nagdaan sa ganito] ang pakiramdam ng paggkainggit sa ibang kilalang institusyon. ang dami nilang ka-chuvahan at kaek-ekan na ginagamit sa pag-aaral. samantalang marami sa amin, laway lang talaga ang puhunan. talent can only go so far, ika nga.

hay.

-|X|-

EPIC FAIL. yan ang tawag sa mga kasabawang tumutuntong sa ultimate level of sabaw-ness. na-uso ang term na to nung unang panahon [last year siguro] at pinalitan na nito ang salitang sabaw. madaming klase ng fail at sa sobrang dami nito ay tatamarin kang mag-isip.

para sa akin, walang tatalo sa lutong ng sariling wika. may sinabi ang blockmate ko tungkol sa mga fail moments ng buhay. ang tawag niya rito ay “Ay, puta!” moments. ito ang mga pagkakataon sa buhay na akala mo nakakatawa lang ikwento pero totoo siyang nangyayari. ito ang ilang examples ng iPuta moments:

  • sarap na sarap ka sa iyong pagtu-toothbrush. matapos mong magmumuog ay tinignan mo ng mabuti ang toothbrush na hawak mo. napagtanto mong sa kapatid mo pala ang nagamit mo. AY PUTA.
  • pagkagising mo, naisipan mong magtoothbrush. kinilatis mo ang toothbrush mo at napagtanto mong basa ito. ginamit pala ng kapatid mo. AY PUTA.
  • pagkagising mo, nag-stretching ka. sarap na sarap ka sa stretching mo. bigla kang sinundot ng kung sinong sugo ng demonyo sa tagiliran. AY PUTA.
  • ang sarap ng ligo mo. feel na feel mong malinis ka dahil isang metro na ang kapal ng sabon sa katawan mo. kaso madulas ang sabon. hindi mo na kinaya ang likot nito at ito ay nahulog sa loob ng trono. AY PUTA.
  • nagmamadali ka na dahil mahuhuli ka na sa klase mo. paglabas mo ng kwarto napagtanto mong may mali. natigilan ka. underwear pala ng roommate mo ang suot mo. AY PUTA.
  • nagtu-toothbrush ka ulit. nahulog ang toothbrush mo sa trono. AY PUTA.
  • naglalaba ka. nag-ring ang celphone mo. sinagot mo ang tawag ng labidabs mo. malikot nga pala ang sabon. nahulog ang celphone sa planggana. AY PUTA.
  • naisipan mong maglaba dahil bago ang washing machine. nilgay mo na ang lahat ng kailangang ilagay. pagka-on mo ng washing machine, kumalabog ito. namutla ka. kinapa ang iyong ulsa. alam mo na ang nangyari. nasa loob ng washing machine ang celphone mo. AY PUTA.
  • nagsasagot ka ng exam sa math. 9pm na at tapos ka na. ipinasa mo na sa instructor mo ang papel mo at itinago ang scratch paper. umuwi ka na. pagkauwi mo, tinangka mong tignan ang iyong scratch para i-check ang madami mong kamalian. namutla ka. alam mo na ang nangyari. scratch paper ang pinasa mo at ang exam mo ang hawak mo ngayon. AY PUTA.
  • gumagawa ka ng plates para sa ES [drafting muna]. 3am na at nagka-cram ka na dahil 7am ang pasahan. tapos ka na. kumuha ka ng tubig at biglang nag-iba ang ihip ng hangin. natabig ng baso mo ang lalagyan ng tinta. namutla ka. huli na ang lahat. natapon ang tinta sa plate mo. AY PUTA.

nakaka- ay puta! talaga ang mga tagpong ganito. kung may isang taong mamamatay sa bawat ay puta! na nagbunga mula sa mga ganitong tagpo, wala na tayong problema sa over population.

Advertisements

About kyogakura
Bored 95% of the time.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: