Puso?

Wala ako nun. hindi ako pinagkalooban ng puso. pagmamahal? hindi ako marunong nun. wala rin naman maniniwala kung sakali mang sabihin kong marunong ako nun kasi naka-ukit na ata sa mukha ko ang “batang sinungaling.” ewan ko ba kung bakit pero kahit gusto kong magseryoso, wala talagang naniniwala sa kin.

pwera sa kin.

oo loser na kung loser. ako ang number one fan ng buhay ko. katulad ngayon, ako rin ang number one fan ng blog na ito. loser talaga tangina. pero nalilihis ako sa topic (parang meron eh no). pinanganak ata akong may mukhang kagaya ni mr. bean o kaya ni rene requiestas. mga tipong mukha na hindi mo seseryosohin kahit parang buhay na ang pinag-uusapan. may bibig din ata akong pinaglihi sa sumpit. tipong bawat tira eh may nasasaktan. hindi kasi ako magaling sa salita. marunong ako magsulat ng maraming salita, madali lang yon. para ka lang naglalaro ng scrabble pero pagpapadugo ng ilong ang habol mo at hindi score. ewan. may mga pagkakataon talagang lahat ng sabihin ko ay mali at mas mainam pang sana ay pinanganak nalang akong walang bibig.

at may mga pagkakataon din namang sana nilamon nalang ako ng lupa.

may mga tagpo akong paulit-ulit nire-replay sa utak ko. tipong nagpapraktis ako ng sabayang pabigkas, may koryo at mga chant pa, pero mag-isa lang at sa utak ko lang nangyayari ang lahat. may lighting, may sound effects at nahuli ko na rin ang mga reaction ng mga taong extra lamang sa scene. pero kasi, iba talaga pag nasa totoong buhay mo na ginagawa ang mga katarantaduhan mo sa utak. may kung anong kawirduhan ang nagaganap at hindi mo matuloy ang balak mo. tulad ngayong panahon ng puso, kahit pasalamat man lang ay ‘di ko masabi ng derecho.

mahiyain ako pero walang naniniwala sa kin. haha, ayos din naman eh no. lagi kong problema ang walang naniniwala sa kin. oo sige, aaminin kong maraming pagkakataon na puro joke lang talaga ang sinasabi ko at madalas kong gamitin ito sa mga paraang makabubuti para sa akin. pero pare, hindi naman ibig sabihin nun eh lahat na lang ang joke. minsan, gusto kong maiyak na lang pag sobrang pinaghirapan kong ilabas ang mga katagang aking kinikimkim tapos biglang…ah ok, nagjo-joke nanaman to. grabe. para mo kong pinasagasaan nang nakayapak sa karitong me bubog ang gulong.

nakakatawa lang rin minsan. madami akong nalilinlang dahil akala nila nagjo-joke lang ako. pero hindi iyon gumagana sa bahay. sa bahay kasi namin, kung hindi rin lang seryoso sasabihin mo, wag mo na sabihin kasi wala rin naman makakagets. may tendency pang awayin ka ng mga tao dito dahil akala nila talaga eh seryoso ka. hay buhay. bakit ba ang weird weird mong pakisamahan?

kung sasabihin ko bang…hindi. di bale na. nakakapagod magsabayan ng walang kasabay.

ps.

psst. mahal kita.

pps.

joke lang.

Advertisements

About kyogakura
Bored 95% of the time.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: