A Few Lines Off The Usual

Nakasayaw ko sa prom ang aking crush mula sa 3rd year (fourth year ako noon). Naiiyak ako tuwing naaalala ko iyong gabing iyon. Isinayaw niya ako sa udyok ng aking kaklase. Sobrang thank you sa kanya.

Pero grabe, nakakaiyak lang talaga ang sandaling iyon. Noong nagkadaupang-palad kami. Noong nagrubbing-elbows kami. Oh. My. Gawd.

Nakakaiyak talagang alalahanin ang sandaling sumayaw kami…

…ng Buttons (Pussycat Dolls).

May natutunan akong makabuluhan this year. Sobrang makabuluhan. Swear. Cross my death and hope to heart. Ito na…ready ka na ba?

Pag lalake ang anak, nag-orgasm ang nanay.

May perfectly scientific reason behind this pero di ko na ipapaliwanag. Ang cool lang. May rason ka nang tumawa kung babae/lalake ka tuwing makikita mo tatay/nanay mo. Pero wag mo nang ipaalam sa kanila kung bakit ka tumatawa.

Oks na rin namang mukha kang baliw paminsan-minsan.

Sa sobrang kaemohan na nangyari sa akin noong pasko, maghapon sumakit ulo ko. Putik. Nakakainis.

Buti nalang naimbento ang super sticks.

Alam mo ang nakakainis? Mga taong super paasa. Sarap i-nailcutter ng mga utong ng mga paasa. Lalo sa oras. Tipong 7am ang usapan tapos darating 3pm, jusko, kung di ka ba naman natuyo sa kahihintay.

Pero sa mundo natin, dalawa lang naman ang klase ng tao: ang hobby maghintay at ang pastime ang magpahintay.

Nagkataon lang talaga na nadali ako sa bahaging hobby maghintay.

Teka, maghahasa muna ako ng nailcutter.

Alam mo kung bakit dapat nanatiling token ang LRT at di dapat naging card?

Isang umaga:

Ako ay inaantok na bumaba ng sasakyan para umakyat sa EDSA-TAFT station ng MRT. Nakakabit ito sa footbridge na papuntang LRT. Noong nakalampas na ako sa mga ate/kuya guards, dinukot ko ang aking wallet at kinalikot ang laman noon hanggang sa makapa ko ang ticket para sa makitid n barrier papasok ng stasyon.

Take note: inaantok pa ako.

Ipinasok ko ang ticket sa barrier. Niluwa. Ipinasok ko ulit. Niluwa. Tumingin ako sa kalangitan at nagdasal. Ipinasok ko ulit. Naghintay…niluwa. Tingin ako sa manong sa likod ko. Nakatingin siya sa card na hawak ko…kaya tumingin na rin ako.

*hikab*

*hikab*

Ay puta. Card pala ng MRT hawak ko.

Amp.

May listahan ako ng mga taong may karapatang mag-emo all-year round. That is to say, these people have the right to be moody/angsty/flammable/volatile throughout their lifetimes.

  1. Women
  2. Designers
  3. Traffic enforcers

These people need the angst to function right.

Nababadtrip ako sa mga taong nagdeactivate ng facebook nila.

Ang hirap nila i-stalk.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung paano gumagana ang tampons. Para silang vick’s kaya nakakatawa tignan. Mukha rin silang supersized sperm cells na pinapasok sa ano kaya mejo weird. Bottomline, pinapasok sila sa ano kaya nawi-weirdohan ako.

Madali akong maviolate. Puki naman o.

Maikli palang naman ang inilagi ko sa mundong ito. Magdadalawang dekada pa lang naman akong buhay kaya malamang, marami pang pagdanak ng dugo ang aking pagdadaanan.

Kaya heto ako at nagpapadaloy ng dugo para sa iyo.

Hindi man ikaw ang una, umaasa akong baka ikaw na ang huli pero malay ba natin. Maraming nangyayaring exciting sa mundo natin. Isa na doon ay ang mga taong sa blog lang kayang magtapat ng everlasting admiration para sa kanilang mga iniistalk.

Pero malay mo ba kung sino ka.

Kaya siguro kahit na habambuhay akong dumugo para sa iyo, wala ka rin masasabi at maitutulong kasi ako naman ang umasa sa taong hindi alam na inaasahan siya. Kaya oks lang tsong, kung sakaling mabasa mo to’t magfeeling ka na ikaw to. Di rin naman ako aamin kahit akuin mong ikaw to.

Sige, magbabanlaw muna ako. Ang lansa ko na. Amoy dugo.

andaming namumutawing pampalubag-loob na kasabihan sa mga kasapi ng SMP (samahan ng malalamig ang pasko).

There are many fish in the sea.

Wag ipagsiksikan ang sarili. Isda lang ang pumapasok sa lata.

Ate, may tanong lang ako…bakit puro isda? Magsisigang ka ba?

/wrist

Insert coin to continue…

Advertisements

About kyogakura
Bored 95% of the time.

2 Responses to A Few Lines Off The Usual

  1. Tiff says:

    Hello. I am a graduating student from UP Manila and blog hopping led me here. 🙂 I was wondering if you could answer a survey I made regarding Filipino bloggers. This is for my thesis and answering will only take you a couple of minutes.

    http://www.kwiksurveys.com/online-survey.php?surveyID=HLEKII_31745bbc

    Confidentiality will be of utmost priority. Answering my survey will be very much appreciated. Thanks! 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: