Hintayan Blues

Haplos sa keypad ng celphone. Naghihintay ng mensaheng hindi darating.

Punta ka pa?

Ang init nanaman. Nakatulog na kalahati ng katawan sa kahihintay. Maagang nagising dahil ayaw sana abutan ng init. Tanghali na. Nawala na ang hamog ng umaga. Nakailang lingon na rin si kuya guard. Bawal ata umupo sa batong mesa.

Iced coffee ni ate muna para lumamig ulo. Buti nalang may nadaanang kakilala kahit dapat ay wala naman. Sumama muna mag-malling baka sakaling bumilis ang oras. Pucha, limang minuto pa lang ang lumilipas. Konting tawa dahil tumatawa sila.

Kapa ulit sa keypad. Natanggal nanaman ang baterya. Wala pa ring mensahe.

Mall muna.

Lumipas na ang ilang dekada at naubos na rin ang tokens para sa DDR. Wala na ring natirang pang-crane machine. Buti may dala akong libro. Para akong yaya, dami kong dalang pampalipas-oras sa aking mahiwagang backpack.

Oo, teka lang. Parating na 🙂

Naubos ko na ang ilang oras na break. Kung uubusin ko pa, wala nang patutunguhan pa. Naubos na rin ang mga pahina ng libro. Akalain mo ‘yon? Pati swelas ng sapatos, ubos na rin.

Kapa. Kapa. Kapa.

Naka-silent ang telepono kaya malay ko ba kung may dumating na mensahe. Ni vibrate din naka-on. May thrill kasi pag hindi mo alam. Kaya mukha ka lang tanga sa pagkapa.

Teka, sandali na lang.

Nag-ayos ng kaunti. May tatlong oras na rin na paghihintay. Gusot na ang kwelyo ng damit na suot. Poporma sana, kaso wala naman ang pinopormahan. Parang nag-unli pero wala naman palang ka-text.

Malapit ka na ba?

Nagpaikot ng huling beses sa mall. Unti-unting uminit ang pakiramdam. Napagod na sa isang araw ng paggala mag-isa. Nakakapagod rin pala.

Hinatid na ako ng pasensya ko sa LRT. Nakasukbit na ang backpack na may lamang kung anu-ano (mga bagay na binalak kong sabay sana nating palilipasin). Mainit ang paligid, mainit ang ulo, ang telepono iniwang nakabaon sa ilalim ng iilang kwaderno.

Itinapon ang celphone sa kama. Derecho ligo. Konting TV, mahabang internet. Naka-chat kita.

Di na ako nakarating kanina. Naghintay ka ba?

Di na ako sumagot. Di na sana ako sumagot.

Hindi naman. Ayos lang. Sige…matutulog na ako 🙂

Leche.

Advertisements

About kyogakura
Bored 95% of the time.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: