Kinse Minutos

Ilang ulit na ba akong umupo sa silyang ito habang nakatunganga sa kumikindat na cursor ng MS Word? iIlang beses na ba akong nahuli na nag-iisip na baka sakaling sa kabila ng mga salitang ito, baka nababasa mo ‘to? Sa lahat ng pagkakataong ‘yon, ano kaya ang ginagawa mo?

Nagmamadali ako dahil ayaw kong abutan ng maraming tao. Ilag ako sa kanila, parang ang pag-ilag ko sa mga bahay ng gagamba at langgam. Masikip nanaman ang LRT, apat na hilera ng tao sa EDSA papuntang Monumento. Ang aga-aga puro tao.

Nakasakay ako, kasabay ng naghahalong pawis ng mga taong baka nagmamadali o baka nagpapalipas lang ng oras. Nakamamangha rin minsan kung paano kami nagkakasya sa ganito kaliit na lugar. Walang kilig na rubbing elbows.

Binasa ko muna ang mga nakakaihing Berso sa Metro na nakapaskil sa taas. Mukha nanaman siguro akong tanga pero bakit ba, hindi naman ako ang una.

Matapos akong harangan at ipahiya ng ticket barrier sa UN, tinignan ako ng masama ng guard. Nagtataka nanaman kung babae ba ako o lalake. Kuya, sa isip ko, depende sa araw at depende sa tao kung ano ako. Madali akong nakababa kahit medyo nakalimutan ko na kung paano humakbang (dahil sa sikip sa loob ng tren).

Tumawid ako para bumili ng pampagising. Ayaw kong mag-present nang tagaktak ang pawis at tupi ang kwelyo. Isang boteng processed kape lang ang katapat ng puyat at pagmamadali, para muling magmukhang tao. Akalain mong iba pala ang gigisng sa akin.

Nakasalubong kita.

Kung alam mo lang, naihi ata ako nang bahagya. ‘Langya, ang tagal na kitang hindi nakita.

Nagkatinginan tayo, parang sine lang. Pero walang madamdaming irapan, takbuhan, iyakan o magandang theme song. Tunog lang ng dumadaang tren (galing Monumento papuntang Baclaran) at busina ng galit na Altis sa namamasaherong jeep. Ang tingkad pa ng araw.

Lumipas ang tingin tulad ng mga hakbang. Parang naulit lang ang sampung segundo noong ika’y aking huling nasilayan. Tulad noon, parang masamang flashback lang ng tadhana, hindi ako kinain ng lupa. Hindi ka rin naman kinuha ng langit. Hindi ka rin lumingon at nagpatuloy ako sa paglakad. Baka sakaling nagkamali lang ako dahil inaamin ko, madalas kang makita ng imahinasyon ko.

Nalalapit na ang huling liko bago ang pupuntahan ko.

Nilingon ko ang huling hakbang, nagbabakasakaling makita ulit kita. Pigil-hininga akong pumihit…ngunit wala.

Ilang beses na ba akong umupo sa tapat ng keyboard na ito habang kinikindatan ng cursor ng MS Word? Ilang beses ko na bang hiniling na sana mabasa mo ito, kahit ang mga paunang salita lang?

Ang tagal na.

Hihintayin pa rin ba kita?

Advertisements

About kyogakura
Bored 95% of the time.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s

%d bloggers like this: