Ang Random

Ang tamang paglalandi

Di naman ako magpapanggap na isa akong banal na tao. Tulad ngayon, di ko na niloloko ang sarili ko na imba ako mag-English. May mga bagay lang kasi n dapat limitahan. Siguro, sa aking pananaw, ang mga bagay-bagay ay mas gumaganda pag ine-enjoy mo sa paraang pakonti-konti lang.

Tulad ng paglalandi.

Oo, kahit na itanggi, malandi ang mga tao sa mundo. Sa tingin mo, bakit ba madami ang tao? Sabagay, madami rin naman ang bacteria pero malay ba natin kung pano sila maglandian sa kanilang maliit na mundo. Anyway, wag nang magkaila, ikaw, ako, lola mo, lolo ko, malandi tayong lahat.

Napag-usapan naming minsan sa isa sa mga idle moments ang konsepto ng paglalagay ng status sa FB concerning landian. Dapat ata may “____ is flirting with ____” na status sa FB. Sabagay, mas kwela nga naman ‘yon kesa sa gasgas na “it’s complicated.” Tsaka kung magiging totoo ‘to, magiging one-to-many ang relationship status. Magiging mas magulo ang mundo. Parang kwarto ng marami sa ‘tin.

Pero hanggang sa ngayon, hindi o mawari kung kelan nagiging tama at kelan nagiging mali ang paglalandian. Ewan. Ang hirap tlaga i-define. Basta, ang alam ko…nangangati talaga ako pag nagsisimula na ang landian.

Ang cycle ng ka-emohan

Yeh, I know, it’s the fad for the last decade. Nagsimula ang lahat nang nauso si Jack Skellington sa mga sawi sa pag-ibig (ayon sa aking pagkakaalala). Malay ba naman ni Tim Burton na gagamitin pala sa masamang paraan si Jack.

Di na ako kumakausap ng tao pag lampas ng 10pm. Wala na rin kasi akong masasabing matino at madalas, nang-aaway na ako pag inaantok. Kaya nakagawian ko nang wag kumausap ng tao pagampas ng 10pm. Alone time na kasi. Oras na para magpakalunod sa sariling lungkot at pighati,

At ngayon, 10:30pm na sa orasan ko. Kinakausap kita sa utak ko. May boses. Takte, kinikilabutan ako.

AyPuta moment

So may isa akong AyPuta(iPuta) moment. Isa lang siya, pagpasensyahan niyo na.

May babaeng nagce-celphone sa LRT. Nalaglag celphone nya habang naglalakad. Tinitigan niya. Dumating ang kanyang friend. Aksidenteng nasipa ang celphone…papuntang riles ng tren. AYPUTA.

Dahil ako’y tinatamad mag-aral

oo. 2nd sem na kasi kaya nakakatamad mag-aral. Wala na rin akong motivation para gawin ‘yon. Siguro, someday…

Magkikita tayong muli.

Advertisements

About kyogakura
Bored 95% of the time.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s

%d bloggers like this: