Hindi ko naman itinago. Kung tatanungin mo ako, isang solid na sagot lamang ang aking maibibigay sa ‘yo: oo, [censored].

Hindi naman ako palasabi kasi sa totoo lang, nababaklaan ako sa ganyang mga bagay. Hindi ko naman din sinasabing may galit ako sa bakla pero…wala na akong maisip na ibang salitang pwedeng ipanglarawan sa nararamdaman ko sa mga ganoong bagay. Siguro, sa pagsulat, kaya kong sabihin pero sa mukha mo at sa mukha ng iba pang tao, hindi. Wala naman sigurong mali doon, ‘yon nga lang, baka sakaling hindi sapat ang mga gawain upang ipakita ito.

Sa totoo lang, alam kong  ‘di sapat. Niloloko ko lang rin naman sarili ko.

Hinintay kitang lumayo.

Ilang taon na rin ang nakaraan. Di ko akalaing masasabi ko ‘tong mga salitang ‘to. Ilang taon na ang lumipas; parang ang weird pakinggan. Pero oo nga, sa lumipas na panahon, hinihintay kitang lumayo.

Dumating nga, lumayo ka. Nawala ang katauhan mo sa pintig ng araw ko. Nakakatawa lang kasi kahit gaano ko katagal pinaghandaan, hindi pa rin naging masaya.

Pero wala lang, nagda-drama lang naman ako. Ok lang ako.

Maganda ang buwan sa labas ngayong gabi. Tipong pang-Disney movie ‘yong ganda, bagay kay Jack Skellington.

Ewan ko kung bakit tuwang-tuwa ako sa pagiging matingkad at ‘bilog’ ng buwan. Noong bata ako, nagpapanggap akong werewolf tapos umaalulong ako pag matingkad ang buwan. Siyempre mukha akong tanga noon pero masaya eh. Ngayon, naiiyak ako pag nakikita kong matingkad at mistulang pumupulso ang buwan. Di naman ako malungkot, di rin naman masaya pero ang mga luha, pumapatak.

Siyempre, mukha akong tanga. Kahit ako iniisip ko ring mukha lang talaga akong tanga.

Itong araw na ito ay isa sa mga araw kung saan kinakain ako ng walang kawawaang depresyon.

Sa bus pauwi, bonggang buhos ng luha ang naganap. Nainis ata ‘yong lalake sa harap ko. Oh well, kung ayaw niyang makipagkiskisan ng likod sa mga taong umiiyak, ‘wag siyang mag-bus. Choosy amputa.

Sobrang bigat ng pakiramdam ko kanina. Siguro kasi, nagbasa ako ng pinoy horror short story compilation sa Powerbooks. Siguro naalala ko ang mga panahong ginagawa ko ‘yon, mahigit pitong buwan nang nakakaraan.

Ang mas nakakalungkot, naghihintay ako kaya ako nagbabasa. Tulad ng dati, naghihintay lang rin ako. Pero ‘di tulad ng dati, walang dumating. Umalis ako. Ang sigla ng Pedro Gil kanina, di ko kinaya.

Umuwi ako nang mag-isa.

Inaamin ko, hindi ko mapigilang huwag mag-inarte pag mag-isa. Wala kasi akong kausap. Wala na rin naman akong perang pangkain at nakakalungkot din namang kumain nang mag-isa. Di ko rin naman maitutulog lang ito. Mehhhhh…ayoko naman muna mag-aral.

Yeah…pinapalipas ko pa rin ‘yong proverbial void na never napupunuan ng kahit anong palatada.

My head’s empty now after watching Pinoy primetime drama’s favorite, Mara Clara. It just baffles me how people, in general, can turn a blind eye towards several things (I’m guilty of this as well).

But that’s beside anything that’s running in my head.

Why can’t you just chase after me for a change? I’m getting tired of this shit.

Advertisements

About kyogakura
Bored 95% of the time.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s

%d bloggers like this: